- Lyrics
- Album list
Pio
-
Himig Ng Pag-ibig (feat.Lolita)
Eto ang awit ng pag-ibig Ikaw ay makiniig sa tinig Pagmamahalang abot langit Kasing saya ng ibong himihimig Nagmamahalang tunay May buhay na makulay Pangako sa Isa't isa'y kahit na kailan pa ma'y Hindi na maghihiwalay
Refrain 1: Sa pagsapit ng dilim, ako'y maghihintay parin Sa iyong maagang pagdating Pagkat ako'y nababalisa, kung 'di ka kapiling Bawat sandali mahalaga sa akin
Mahal kong sinta, kumusta kana? Ako'y may kaba buhat ng umalis ka Nung isang buwan ay sinulatan kita Ngunit hanggang ngayon ang sagot mo'y Wala pa, nag-aantay ang ating mga anak Kaming lahat ay sabik sayong yakap Mula ng madistino ka sa probinsya 'di ako mapakali 'pag wala ka Naaalala mo pa ba ang Masaya natin na nakaraan? 'di ba't pangako mo sa akin pagtapos ng laban Kami ay agad mong babalikan Lagi mo nalang pinagtatanggol ang bayan Matapang na humaharap sa digmaan Pagmamahalan 'wag sanang matabunan Ng mga luha at kalungkutan Sana'y makabalik ka ng ligtas Yan ang laging dalangin sa taas Alam kong may tungkulin ka sa batas At hindi ka pwedeng basta kumalas Gayon pa man aantayin ko parin Ang iynong maagang pagdating Hanggang sa umangat man ang araw At maging sa pagkagat ng dilim Mga bakal may mainit na bala Pagsabog ng mga granada at bomba Yan lag madalas mong makasama Laging dalagangit san man magpunta Ang sula ko sana'y iyong sagutin Upang mabawasan ang kaba sa damdamin Pagmamahal ko ay iyong baunin At dinggin ang aking hiling
REFRAIN 2: Tulad ng ibong malaya ang pag – ibig natin Tulad ng langit na kay sarap marating Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin Tulad ng himig na kay sarap awitin.
Find more lyrics at ※ Mojim.com Ako ay nagulat at ang paningin ay tulala Nang bigla kang dumating Tuluyang tumulo ang aking luha Ika'y hinatid nila sa akin Kasama ng sulat mong aking ipinasa Nung ika'y nasa aking harapan Parang leeg ko'y nakakadena Sa iyong sulat sinabe mo na Mahal na mahal kita aking asawa Pati na ang dalawang mga bata Sila ay busugin mo sa alaga Kung sakali man ako'y 'di palarin At maging buhay ko ay bawiin Laban sa rebeldeng kapwa pinoy Digmaan dito ay umaapoy Lagi mo lamang na tatandaan Pag – ibig ko sa'yo ay walang hanggan Dadalhin hanggang sa kalangitan 'wag malungkot at ikaw ay maging matapang At dapat handa ka sa hamon ng buhay Nandito lang ako at nakapatnubay Lamang at ang tangi kong mga hiling Pangako ko lagi kang mamahalin 'yan ang iyong liham na aking nabasa Sundalo ng buhay ko mahal kita Pag – ibig ko sayo'y walang kapalit Nagn nagbalik ka ay napakasakit Ika'y umalis sa aming nakatayo pa Bumalik ka bakit nakahiga na Nakabalot sa kumot na puti Damang- dama ko ang sakit at hapdi
REFRAIN 3: At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling Luhang pag – ibig kay sarap haplusin Tulad ng tubig sa batis, hinahagkan ng hangin Pag – ibig ang ilaw ilaw sa buhay natin
Tinatanong ko ang aking sarili Bakit sa akin pa ito nangyari? Lumuluha ang aking damdamin Nang ako ay iyong lisanin Ngunit pagkakataon para Ikaw ay aking mahawakan At habang hawak ko ang iyong kamay Awitin ang himig nang magkasabay
REFRAIN 4: Tulad ng ibong malaya ang pag – ibig natin Katulad din ng langit na kay sarap marating Ang bawat tibok ng puso, kay sarap damhin Tulad ng himig ng pag – ibig natin…
-
|